28 June 2010

Tulaan Sa Tren

Si alguna vez la vida te maltrata / Kung sakaling malupit sa iyo ang kapalaran
Acuerdate de mi / Alalahanin mo ako
Que no puede cansarse de esperar / Dahil hindi mapapagod sa paghihintay
Aquel que no se cansa de mirarte / Itong walang sawang tumitingin sa iyo.

Luis Garcia Montero (Granada, 1961- )


Masikip ang tren ngayong umaga, tulad ng ibang mga umagang kailangang bagtasin. Sa kagustuhang ibaling ang atensiyon mula sa nakasasakal na dami ng tao sa loob, naisip kong basahin ang mga tulang nakapaskil sa ibabaw ng mga bintana ng tren.

Ito ang unang tumambad sa akin. Hindi na ako nagbasa ng iba pa pagkatapos ng ikaapat na taludtod nito.


No comments: